Mabuti pa ang unan mo kasama pag gabi
Mabuti pa ang kumot mo kasiping sa tabi
Sa pag-uwi mo sila ang ‘yong kasama
At sa pagtulog, wala ng iba.
Iyan ba nama’y pagseselosan ko pa
Kung maari lang naman
Ako na lamang sana ang maari mong gawin
Na kumot at unan mo.
Mabuti pa ang panyo mo
May dampi sa ‘yong pisngi
At sa tuwing kausap ka’y laging nakangiti
Sa pag-uwi ko ‘yan ang naaalala
At sa pagtulog wala ng iba.
Yan ba nama’y malilimutan ko pa
Kung maari lang naman
Ako na lamang sana ang maari mong gawin
Na kumot at unan mo.
Pangarap kita
Kahit papaano pa kita isipin
Pangarap kita
Dinggin mo sana ang aking awitin
Pangarap kita
Gawin mo sana akong pangarap mo rin.
Mabuti pa ang baso may tikim ng ‘yong halik
Naiinggit ang labi kong laging nananabik
Sa aking pag gising ‘yan ang naaalala
Tuwing umaga wala ng iba.
Yan ba nama’y maiiwasan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang maari mong gawin
Na kumot at unan mo.
Kung maari lang naman ikaw na lamang sana
Ang maari mong gawin na kumot at unan mo.
0 Responses:
Post a Comment